Pintuan

Ito ay isang bagong simula.
Natapos na ang Byaheng Borongan, isang taon ng paglalakbay at biyaya. Ngayon naman, sisimulan ko na ang bagong buhay matapos ang aking pagbyabyahe bilang isang JVP.
Ang pintuan na ito ay ang pintuan ng aking kwarto sa Borongan. Naisip kong dito simulan ang aking panibagong paglalakbay, sapagkat dito rin nagtapos ang una kong byahe.
Sa aking bagong paglalayag, isang malaking implwensiya pa rin sa akin ang mga karanasan ko bilang isang JVP sa Borongan. Sa katunayan, ito ang malimit kong pinagkukunan ng lakas. Para sa akin, importante pa rin na balik-balikan ang mga karanasang nagpapatunay na buhay nga ang Diyos, na -sa mga salitang ng aking batchmate na si Tootsie- lahat ay isang biyaya.
Ang blog na ito ay isang lathalain kung saan ibabahagi ko sa mga nais makasaksi ang mga nasaksihan ko sa aking erya gamit ang mga litratong nakuha ko. Ngayon, muli kong bubuksan ang pintuang sinara ko may dalawang buwan na ang nakakalipas...


2 Comments:
Very cool design! Useful information. Go on! Westcoast fitness renton http://www.san-diego-cosmetic-dentistry.info Paxil vs wellbutrin xl Teen in their bras cell phone ring tones Peaches transexual Elmo projector company Alternative wellbutrin Subaru rs parts fixed rate mortgage
(^-^)lalim ng tagalog nyo!pero getz ko hehe!life is indeed a special journey...we're only traveller,wanderer,pilgrims on our way...home,our home sweet home,awaiting us..back home..
Post a Comment
<< Home